dzme1530.ph

Pagbebenta ng NFA ng mas murang bigas, dapat samahan ng pangmatagalang solusyon para maibsan ang paghihirap ng mamamayan

Loading

Welcome development para kay Sen. Sherwin Gatchalian ang pagsisimula ng pagbebenta ng National Food Authority ng mas murang halaga ng bigas na higit na makikinabang ay ang mga mahihirap na mamamayan.

Iminungkahi rin ni Gatchalian na makipagtulungan ang NFA sa mga lokal na pamahalaan upang garantiyahan ang transparency at pananagutan sa proseso ng pamamahagi upang ang mga tunay na benepisyaryo ang makinabang sa naturang inisyatiba ng pamahalaan.

Idinagdag pa ng senador na dapat na magpatupad ng mahigpit na koordinasyon ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas para sa suplay ng bigas, upang maiwasan ang pag-iimbak na maaaring maging sanhi ng pagtaas ng presyo sa mga pamilihan.

Binigyang-diin pa ni Gatchalian na dapat na makabuo ang pamahalaan ng mga pangmatagalang solusyon upang mapanatili ang mga presyo sa abot-kaya ng mga maminili.

Ang ganito anyang mga solusyon ay dapat magsamasama upang tugunan ang mga pagmamanipula ng presyo at tuluyan ng makabili ng bigas sa murang halaga.

About The Author