Pagbebenta ng ₱20/kilo na bigas sa Kadiwa centers sa Metro Manila, iniurong sa May 13 - dzme1530.ph

dzme1530.ph

Pagbebenta ng ₱20/kilo na bigas sa Kadiwa centers sa Metro Manila, iniurong sa May 13

Loading

Iniurong ng Department of Agriculture ang paglulunsad ng 20 pesos per kilo na bigas na tinawag na “Benteng Bigas Mayroon (BBM) Na” sa Kadiwa ng Pangulo centers sa Metro Manila.

 

 

Mula sa original target na May 2 ay iniatras ito ng ahensya sa May 13.

 

 

Ang hakbang ay kasunod ng apela ng Comelec sa DA na pansamantalang pigilin ang rollout ng bente pesos na bigas sa Kadiwa centers sa Metro Manila, hanggang sa matapos ang May 12 elections.

 

 

Ito ay upang maiwasan ang mga akusasyon na ginagamit ng pamahalaan ang rice program para sa politika.

 

 

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na sa Kadiwa ng Pangulo site lamang sa Cebu, matutuloy ang pilot launch ng bente pesos na kada kilo ng bigas, ngayong Huwebes.

About The Author