dzme1530.ph

PAGBAWI NI PANGULONG MARCOS SA DAGDAG-PASAHE, BINANATAN

Loading

Binanatan ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa utos nitong bawiin ang inaprubahang pisong dagdag sa pamasahe.

 

Ayon kay Tinio, baryang-barya na nga lamang ang pisong dagdag, pero binawi pa dahil sinubukan umano nitong magpapogi, pero mas lalong nagalit ang mamamayan.

 

Sa mga strike center na pinuntahan ng kongresista, lahat umano ay sumisigaw na hindi sapat ang mga paayudang tugon ng Marcos administration.

 

Mula sa P1,050 na nauuwi na kita ng mga tsuper noong P60 pa lamang ang kada litro ng diesel, ngayon ay P250 na lamang ang take-home kahit magdagdag pa ng ikot o byahe.

 

Ipinakita umano ni Marcos na wala itong solusyon sa problema, dahil sa halip na tapyasin ang presyo ng petrolyo, nagdeklara ito ng “giyera” sa sektor ng transportasyon.

 

Naghayag si Tinio ng buong suporta sa mga kilos-protesta ng transport groups dahil kita at ramdam na ang negatibong epekto ng fuel price increases sa kanilang kabuhayan.

About The Author