Inihayag ni DOTr secretary Jaime Bautista ang kahalagahan ng 59th Conference of the Directors General of Civil Aviation (DGCA), na kasalukuyang ginaganap sa Pilipinas.
Ayon kay Bautista ang nasabing conference ay bilang bahagi ng mahalagang plataporma para sa pagtugon sa carbon emissions sa aviation at pagtataguyod sa pag-unlad aviation industry sa bansa.
Tinatalakay din dito kung ano ang mga kasanayan na magbibigay-daan na mag-ambag sa pagbawas ng carbon emissions, kabilang ang mga pinakamahusay na kasanayan.
Binigyan diin ni Bautista na kasama dito sa tatalakayin ang capacity building kung paano dagdagan ang kakayahan ng Directors General para tuloy-tuloy ang development.
Sa panig naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo na halos 15,000 puno na ang naitanim sa buong bansa, at ang inisyatiba ay patuloy na sumusuporta sa Long-Term Aspirational Goal ng ICAO na net-zero carbon emissions pagsapit ng 2050. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News