dzme1530.ph

Pagbasura sa impeachment case laban kay VP Sara nang ‘di daraan sa trial, maituturing na paglabag sa konstitusyon

Loading

Nagbabala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na paglabag sa konstitusyon kung agad na lamang ibabasura ng Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa gitna ito ng pag-amin ni Sen. Ronald Bato dela Rosa na siya ang nagpapaikot ng resolusyon na nagsusulong na ibasura ng Senado ang impeachment case.

Ipinaalala ni Pimentel na malinaw na sinasabi sa konstitusyon na “trial by the Senate shall forthwith proceed”.

Ipinaliwanag ni Pimentel na kung meron nang impeached na impeachable official, kailangan marinig ng taumbayan ang lahat ng ebidensya.

Dapat din aniyang bigyan ng pagkakataon ang na-impeached na opisyal na depensahan at linisin ang kaniyang pangalan kaya dapat magsagawa ng paglilitis ang Senado sa impeachment case.

Idinagdag pa ni Pimentel na kung susundin ang rules of court, dapat na aksyunan at talakayin ang resolusyon o anumang mosyon na ibasura ang impeachment case kapag nagconvene na ang senado bilang impeachment court.

Hindi aniya dapat pag-usapan ang resolusyon sa regular o legislative session ng senado.

About The Author