dzme1530.ph

PAGBASURA SA 3 EXCISE TAXES NG MGA DISCAYA, WALANG EPEKTO SA IBA PA NILANG TAX EVASION CASE AT CRIMINAL COMPLAINTS

Loading

Walang epekto sa iba pang tax evasion case at criminal complaints laban sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ang pagbasura sa tatlo nilang excise tax cases.

 

Ito ang nilinaw ni Department of Justice Spokesperson Polo Martinez makaraang ibasura ng prosekusyon ang excise tax cases na inihain ng bureau of internal revenue laban sa mag-asawa. 

 

May kinalaman ito sa alegasyon ng anomalya sa importasyon ng anim na luxury vehicles na nakarehistro sa kanilang pangalan.

 

Iginiit ng mga prosecutor na ang mga Discaya ay end consumers at hindi importers kaya’t hindi sila statutory taxpayers na responsable sa pagbabayad ng excise tax.

 

Samantala, ihahain ng DOJ sa Court of Tax Appeals ang dalawa ang tax cases laban sa mag-asawa dahil sa hindi pagdedeklara ng kanilang tamang kita noong 2020 at 2021.

About The Author