dzme1530.ph

Pagbasura sa ₱4,000 multa sa illegal parking, suportado ni Escudero

Suportado ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang desisyon ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibasura ang panukala ng Metro Manila Council (MMC) na itaas sa apat na libong piso ang kasalukuyang P1,000 multa sa illegal parking sa Metro Manila.

Binigyang-diin ng Senador na mas kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at hindi lamang ang mabigat ng parusa upang madisiplina ang mga motorista.

Wala aniyang motorista na gugustuhin na magmulta ng isanlibong piso kaya iiwasan na nilang masangkot sa illegal parking.

Aniya, kahit itaas ito sa apat na libong piso magagawan naman ng palusot ng mga motorista ay wala rin itong epekto.

Iginiit pa ni Escudero na mas makabubuting iutos ng Building Codes and Occupancy Permits ang pagkakaroon ng sapat na Parking space para sa lahat ng establishments o gusali kabilang na sa residential.

Idinagdag pa ng mambabatas na dapat hindi na hintayin na matulad ang bansa sa Singapore na idinadaan sa auction o pagsusubasta ang karapatang bumili ng sasakyan dahil sa problema ng trapik at parking space.

About The Author