dzme1530.ph

Pagbalewala ni Makati City Mayor Abegail Binay sa utos ng SC kaugnay sa BGC case, inalmahan

Umalma ang netizen sa lantarang pagbalewala ni Makati City Mayor Abegail Binay sa utos ng Korte Suprema kaugnay sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati.

Una rito, nag-viral ang video ni Mayor Binay na nagmamatigas at hindi kinikilala ang April ruling ng Supreme Court na iginagawad sa Taguig City ang hurisdiksyon sa BGC at 7 pang barangay ng Makati.

Sa interview kay Binay, naaawa umano siya sa mga batang estudyante na itinuturing niyang mga anak dahil hindi kayang ibigay ng Taguig ang kalidad ng serbisyo na naibibigay ng Makati LGU.

Ilang netizen sa Taguig ang umalma sa pahayag na ito ni Binay at tahasang sinabi na mas maganda ang pamamalakad sa kanilang lungsod kumpara sa Makati.

Inamin din ni Binay na kinausap na niya si PBBM, first lady Liza Araneta Marcos at Chief Justice Alexander Gesmundo at nangako na tutulong para mabuksan muli ang kaso. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author