Suportado ni Senador Sherwin Gatchalian ang hakbang ng administrasyon na bumalangkas ng masterplan para sa mga imprastraktura at programa para sa epektibong pagkontrol ng baha sa bansa.
Sinabi ni Gatchalian na mahalaga ang pagkakaroon ng epektibong programa sa pagkontrol ng baha lalo’t isa ito sa mga nakapipinsalang epekto ng climate change.
Ginawa ni Gatchalian ang pahayag kasunod ng kanyang pamamahagi ng halos P8.5-M halaga ng tulong sa mga apektado ng pagbaha sa Pangasinan, Bataan, Pampanga, at Bulacan.
Ilang bayan at munisipalidad sa Pangasinan, Bataan, Pampanga, at Bulacan ang idineklarang nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng hagupit ng mga bagyong Egay at Falcon.
Iginiit ni Gatchalian na dapat agad solusyunan ang pagbaha dahil magiging balakid ito sa pag-unlad ng bansa. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News