![]()
Ipinag-utos ng liderato ng Philippine National Police ang pagbaklas sa lahat ng politically branded signages.
Nilinaw naman ni PNP Chief General Melencio Nartatez Jr. na limitado ito sa mga politically signages na nakakabit sa kanilang mga nasasakupan kabilang na ang mga police stations, mga kampo, tanggapan at iba pang pnp facilities sa buong bansa.
Layunin ng hakbang na ipatupad ang political neutrality, professionalism at prinsipyo na ang public service ay hindi dapat hinahaluan ng personal o partisan promotion.
Ang kautusan ay alinsunod sa memo ng Department of the Interior and Local Government laban sa mga epal na signages.
