Ikinabahala ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ang kapasidad ng pamahalaan na bumili ng rice stocks mula sa mga magsasaka kasunod ng suspensyon sa mahigit isandaang opisyal at empleyado ng National Food Authority (NFA).
Sinabi ng PCAFI na sa kasalukuyan ay ilang warehouses ng NFA ang sarado kaya posibleng baratin ng traders ang produktong palay ng mga magsasaka ng mas mababa sa P20 kada kilo.
Paliwanag ni Danilo Fausto, presidente ng grupo, hindi makakaporma ang traders kapag mayroong NFA dahil dito ang takbuhan ng mga magsasaka.
Una nang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang 90-day preventive suspension laban sa 139 NFA officials and employees, bunsod ng umano’y pagbebenta ng bigas nang palugi sa mga pinaborang traders.