dzme1530.ph

PAGBAGSAK NG BAHAGI NG KISAME SA NAIA TERMINAL 1, IKINABAHALA

Loading

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Raffy Tulfo sa pagbagsak ng bahagi ng kisame sa Arrival Extension Area ng NAIA Terminal 1 , kung saan pito ang nasaktan.
Sinabi ni Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Public Services na sa mga ganitong pangyayari, mahalaga ang agarang aksyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga biktima, gayundin ang tulong na ipagkakaloob sa kanila.
 
Kasabay nito, ipinaalala ng senador sa Department of Transportation gayundin sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maging proactive at tiyakin na sumusunod sa mga itinakdang safety standards ang mga imprastruktura at pasilidad sa lahat ng mga paliparan sa bansa.
 
Nangako naman si DOTr Secretary Giovanni Lopez na mahigpit na pinaiimbestigahan ang pangyayari.
 
Agad din anya siyang magbibigay ng update kay Tulfo kapag mayroon nang resulta ang imbestigasyon at iba pang mahahalagang updates.

About The Author