Good news sa Marcos administration ang 1.9% na inflation rate sa buwan ng September.
Surpresa para kay Albay Cong. Joey Salceda ang 1.9% inflation, pero magandang pagkakataon sa gobyerno Marcos na ipagpatuloy ang “ambitious spending program” sa ekonomiya at social services.
Ayon sa ekonomistang kongresista, ang pagbaba ng food inflation ay dahil bumaba ang presyo ng prutas, gulay at bahagya sa isda.
Maging ang asukal na mahigit 20% sa mga nagdaang buwan ay gumanda rin na tila nagpapahiwatig na babalik na sa normal ang presyo nito.
Hinikayat ni Salceda ang pamahalaan na bantayan ang bigas dahil nasa 5.7% pa rin, subalit pwedeng mapababa ngayong harvest season.
Ang mais na component sa pag-produce ng karne, poultry products at isda ay 6.9% pa rin.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, naglaro lang sa 1.9% ang September 2024 inflation, higit na mabagal kumpara sa 3.3% noong August. —sa panulat ni Ed Sarto