Positibo kay Albay Rep. Joey Salceda ang naitalang 1.8% inflation rate sa nakalipas na buwan ng Marso.
Gayunman, dapat umanong tutukan ang presyo ng karne.
Ayon sa chairman ng Ways and Means panel, patuloy ang pagbaba ng inflation dahil ang pangunahing sanhi ng mataas na inflation noong nagdaang taon, ang bigas at iba pang key commodities ay naresolba na.
Ang ‘year-on-year’ price ng bigas ay bumababa na umano ng 7.7%, at inaasahan pa nito ang ibayong pagbaba hanggang sa manumbalik sa ‘positive inflation rate’ dakong midyear ng 2025.
Sa kabila nito dapat umanong maging vigilant ang pamahalaan sa presyo ng karne na ang pangunahing pinagbabasehan ay ang presyo ng mais.
Ani Salceda, bumaba na ng 1.6% ang year-on-year price ng mais, subalit ang presyo ng karne ay tumaas ng 8.2%, habang ang isda ay tumaas din.
Bagaman at naampat na ang presyo ng bigas, tuloy pa rin aniya dapat sa paghahanap ng solusyon para maibaba rin ang presyo ng gulay, karne at isda na pawang bahagi ng household diet.