Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na sa halip na price cap, mas maiging alisin o bawasan muna ng gobyerno ang taripa sa imported na bigas.
Ito ay sa gitna na rin ng panukala ni Finance Secretary Benjamin Diokno na bawasan ang 35% rice import tariffs pansamantala kung saan ibaba ito sa 10% o kaya ay gawing 0%.
Ayon Kay Pimentel, mas mainam ding tutukan ang pagtugis sa mga rice hoarder at price manipulators bago ang ipinatupad na price cap sa bigas.
Binigyang-diin pa ng senador na mas nakabuti sana kung ipinalabas sa merkado ang mga nakatagong supply ng bigas.
Iminungkahi rin ng senador na dapat pinayagan ang National Food Authority (NFA) na ipinalabas sa mga pamilihan ang kinakailangang dami ng bigas para maging stable ang presyo nito.
Ang mga hakbang na ito ay dapat sanang ginawa muna ng pamahalaan bago ikinunsidera at ipinatupad ang executive order ukol sa price cap sa bigas.
Bukod dito, binigyang-diin ng mambabatas na makabubuti ring ilaan ang P2-B pondo para sa ayuda sa mga naapektuhang rice traders na ipambili ng bagong stock na bigas ng NFA dahil mandato anya ng ahensya na bumili ng bigas sa mga lokal na magsasaka. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News