Kampante ang National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi magiging hadlang sa isinusulong na Maharlika Investment Fund, ang pagbabawal na magamit dito ang state pension funds.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, katanggap-tanggap ang amendments at safeguards sa pinal na bersyon ng Maharlika Fund Bill.
Dahil dito, sinabi ng NEDA chief na hindi magiging balakid sa hangarin ng wealth fund ang pagbabawal sa paggamit ng pension funds bilang investments tulad ng pondo ng GSIS at SSS.
Matatandaang una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala silang intensyong gamitin ang pension funds bilang seed fund sa Maharlika Fund.
Ang Maharlika Bill ay naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News