dzme1530.ph

Pagbabawal sa lahat ng ayuda 10-araw bago ang Halalan 2025, pinag-aaralan ng Comelec

Loading

Ipinanukala ng isang komite ng Comelec na ipagbawal ang pamamahagi ng lahat ng government cash assistance o ayuda, 10-araw bago ang Halalan 2025.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na pinag-aaralan ng Comelec en banc ang proposal ng Committee on Kontra-Bigay na pinamumunuan ni Commissioner Ernesto Maceda Jr..

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal ng poll body ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) 10 araw bago ang eleksyon.

Idinagdag ni Garcia na posibleng muling ilunsad bukas ang komite na nilikha upang tugunan ang vote-buying.

Una nang inihayag ng Poll chief na hiniling ng Department of Social Welfare and Development sa Comelec na i-exempt ang panibagong ₱12-B na halaga ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funds mula sa election spending ban para sa Halalan 2025.

About The Author