dzme1530.ph

Pagbabawal sa E-Bikes at E-Trikes sa national road, ipagliban muna –Grupo

Umapela ang isang grupo ng mga commuter sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huwag munang ipatupad ang ban sa electric vehicles sa April 15.

Ayon sa “Make It Safer Movement”, bukod sa walang naunang konsultasyon hinggil dito, ay taliwas din ito sa batas nagsusulong sa paggamit ng E-Vehicles (EVs) sa bansa.

Iginiit ng grupo na mas marami pa rin ang nadi-digrasyang 4 wheels kumpara sa EVs.

Batay sa datos ng MMDA, bagaman walang E-Bike related fatalities na naiulat noong 2019, tig-isa naman ang nasawi noong 2020 at 2021, anim noong 2022 at apat noong 2023.

About The Author