dzme1530.ph

Pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga naapektuhan ng bagyong Tino, ipinagpapatuloy

Loading

Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagpapatuloy ang kanilang restoration efforts upang agad maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Tino.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Engineer Redi Remorosa, head ng Transmission and Planning ng NGCP, na sa 55 transmission lines na apektado, naibalik na ang 50 linya.

Ayon naman kay Engr. Louie Andrew Puntod ng National Electrification Authority, may halos isang milyong households pa ang target sa restoration sa walong lalawigan mula sa 20 probinsyang dinaanan ng bagyong Tino.

 

About The Author