dzme1530.ph

Pagbabalik ng summer vacation, malaking tulong sa kalusugan ng mga estudyante

Pinasalamatan ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag apruba nitong maibalik agad ang lumang school calendar sa bansa.

Sa inaprubahang desisyon ng punong ehekutibo, magsisimula na ang School Year 2024-2025 sa July 29 ng taong ito at magtatapos naman sa April 15, 2025.

Iginiit ni Gatchalian na malaking tulong ito lalo na’t nakita nitong sa kasagsagan ng summer ay hindi kinakaya ng mga estudyante ang sobrang init na panahon.

Sa kabila nito, aminado ang senador na kaakibat ng desisyong ito ay magkakaroon talaga ng sakripisyo.

Kabilang na dito ang pagkakaroon ng modular classes tuwing sabado para makumpleto ang minamandato na 220 school days sa isang school year.

About The Author