Isinulong ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik ng direct flight sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand.
Sa courtesy call sa Malacañang ni bagong New Zealand Ambassador Catherine Rosemary Mcintosh, inihayag ng pangulo na ang pagbabalik ng air links ng dalawang bansa ay magpapalakas ng turismo at kalakalan.
Sinabi rin ni Marcos na paniguradong maraming Pilipino ang nais na magtungo ng New Zealand, at naniniwala rin ito na interesado rin ang mga taga-New Zealand na bumisita sa bansa.
Kaugnay dito, umaasa si Marcos na tatalakayin ng air regulators ng dalawang bansa ang pagbabalik ng air links, na makatutulong umano sa economic transformation sa harap na rin ng planong pagtatayo ng bagong airports at pagsusulong ng accessibility sa maliliit na palirapan sa mga rehiyon.