dzme1530.ph

Pagbabago sa kilos ni Sandro Muhlach bago at matapos ang umano’y sekswal na pang-aabuso sa kanya, nakuhanan ng CCTV

Nakunan sa video footage na inilabas kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kondisyon ni Sandro Muhlach bago at pagkatapos ng umano’y sexual harassment na kanyang naranasan mula sa independent contractors ng gma na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Sa footage na kuha noong July 21, 4:39 ng madaling araw, umalis ng kanyang hotel room ang aktor at nagtungo sa hotel na kinaroroonan ng TV Contractors.

Nang lumabas si Muhlach sa hotel nina Nones at Cruz, 6:46 ng umaga, napansin na habang naghihintay siya sa lobby ng kanyang hotel, ay nagkaroon ang young actor ng behavioral changes, ayon sa NBI.

Sinabi ng agent-on-case na normal at kalmado ang galaw ni Muhlach bago magtungo sa dalawang subjects subalit pagkatapos ng umano’y pangmo-molestiya ay naging mabilis ang lakad nito, balisa, tila distressed at very anxious.

Idineklara ng NBI na pinagtibay ng CCTV footage ang isinagawa nilang behavioral analysis kay Muhlach na dumanas ito ng traumatic event.

About The Author