dzme1530.ph

Pagbababa ng taripa sa bigas at iba pang produkto, magdudulot ng pagbaba ng inflation, ayon kay SP Escudero

Tiwala si Senate President Francis Escudero na may malaking positibong epekto sa ekonomiya ang hakbang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ibaba ang taripa sa bigas at iba pang produkto.

Sinabi ni Escudero na sa sandaling maibaba ang taripa, bababa ang presyo na may epekto sa inflation at sa ekonomiya sa kabuuan.

Kasabay nito, sinabi ni Escudereo na nasa kapangyarihan ng Department of Agriculture na tiyakin na mapangangalagaan pa rin ang mga local producer kahit pa dumagsa ang imported products sa bansa.

Ipinaalala ni Escudero na kaya’t nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ay dahil sa kakulangan ng lokal na suplay kaya’t isa rin sa dapat na opsyon ay ang direktang pag-aangkat ng gobyerno ng mga produkto.

About The Author