Isinisi ng Malakanyang sa paglaganap ng fake news ang pagbaba ng trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sinabi rin ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na ang 2,400 respondents sa survey ay hindi naman kumakatawan sa lahat ng mga Pilipino.
Sa kabila naman nito ay tiniyak ni Castro na patuloy na magta-trabaho at maglilingkod sa taumbayan ang Pangulo.
Idinagdag ng Palace official na nais din ni Pangulong Marcos na matigil na ang pagkalat ng fake news, dahil hindi na biro ang epekto nito kaya dapat nang bigyan ng pansin.
Sa pinakahuling Pulse Asia survey, mula 42% noong Pebrero ay parehong bumaba sa 25% ang approval at trust ratings ni PBBM noong Marso.