dzme1530.ph

PAGASA, nagdeklara na ng pagsisimula ng El Niño phenomenon

Idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño phenomenon sa bansa.

Una nang inihayag ng state weather bureau na bagaman mataas ang tsansa na magkaroon ng below-normal conditions dahil sa El Niño, inaasahan din ang above-normal rainfall conditions sa pagsapit ng Habagat season sa western part ng bansa.

Noong Mayo ay nag-isyu ang PAGASA ng El Niño alert makaraang lumitaw sa forecast na 80% na posibleng maramdaman ang phenomenon sa susunod na tatlong buwan at maari itong tumagal hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha ng isang team na tututok sa pagpapagaan ng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author