Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng Habagat season ngayong Martes, Okt. 7, kasabay ng pagwawakas ng panahon ng tag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ayon sa ahensya, humina na ang Habagat dahil sa paglakas ng high-pressure system sa East Asia at paglipat ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) pa-timog.
Ayon sa PAGASA nasa transition period na ang bansa at sa mga susunod na araw ay unti-unting mararanasan ang Northeast Monsoon o Amihan.