dzme1530.ph

PAGASA: Habagat season nagsimula na!

Loading

Opisyal nang idineklara ng Pagasa ang pagsisimula ng habagat o southwest monsoon season sa Pilipinas.

Sa advisory, sinabi ng Pagasa na ang deklarasyon ay kasunod ng patuloy na pag-iral ng low-level southwesterly winds, frontal system sa iba’t ibang panig ng bansa, at ang paghina ng easterlies.

Dahil dito, inaasahan na umano ang madalas na pag-ulan at thunderstorms sa kanlurang bahagi ng bansa, habang posible ring magkaroon ng tinatawag na “monsoon breaks.”

Pinaghahanda rin ng Pagasa ang publiko at mga kinauukulang ahensiya kaugnay sa mga posibleng epekto ng habagat tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

About The Author