Ikinatuwa ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagtitiyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na i-waive na o aalisin na ang rebooking fees para sa mga pasahero na apektado ng cancelled flights dahil sa pagputok ng Mount Kanlaon.
Kasunod ito ng pagtiyak ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio bilang tugon sa panawagan ng senador.
Kaugnay nito, sinabi ni Tolentino na dapat tiyakin na maipapaalam sa mga apektadong pasahero na wala na silang dapat na bayarang rebooking fee at wala ring penalty.
Sinabi rin ng CAAP na nakapaglatag na sila ng help desks sa mga paliparan para asitehan ang mga pasahero sa rebooking ng mga flights ng libre.
Matatandaang matapos ang pagputok ng Mt. Kanlaon noong June 3 ay naglabas ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM) para abisuhan ang lahat ng airline companies na iwasan ang paglipad malapit sa nasabing bulkan.
Sa kasalukuyan, nananatili sa alert level 2 ang Mt. Kanlaon.