Naging makabuluhan ang pag-uusap sa telepono nina President Volodymyr Zelensky at Chinese President Xi Jinping.
Binigyang-diin ni Zelensky na umaasa siyang magiging daan ang kanilang dayalogo upang mapabuti ang kanilang bilateral relations.
Ito ang unang pagkakataon na nagkausap ang dalawang lider mula nang lusubin ng Russia ang Ukraine.
Napag-alaman na ang nasabing tawag ay isinagawa matapos ang pahayag ng China na siyang tumatayong tagapag-ayos ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa.
Matatandaan na personal na nagpulong si Xi at Russian President Vladimir Putin noong nakaraang buwan kung saan inilatag nito ang 12-Point Peace Plan na layong tapusin ang giriin sa pagitan ng dalawang bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho