Tiniyak ni Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial bet Manny Pacquiao na isusulong ang mga panukala para sa kapakanan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ginawa ni Pacquiao ang pangako sa kanyang pakikipagpulong sa mga gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ng dating senador na nauunawaan niya ang hirap ng pakikipaglaban ng mga taga Mindanao para sa mas maayos na pamumuhay kaya’t titiyakin niyang walang maiiwan sa pag-unlad.
Iginiit ni Pacquiao na partikular na tututukan ang pagkakaroon ng access sa dekalidad na edukasyon upang matuldukan na ang kahirapan.
Ipinaliwanag ng dating mambabatas na dapat maglagak ng puhunan sa kabataan ng BARMM sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming educational institutions, pagkakaloob ng scholarships at pagbibigay ng vocational training programs.
Ibinahagi rin niya ang istratehiya para sa job creation, kabilang na ang pagpapalakas ng malilit na negosyo, pagpapatupad ng reporma sa agrikultura at pagsusulong ng infrastructure development.
Dapat din anyang matiyak ang access sa kalidad na healthcare, lalo na sa mga remote areas na isa rin sa kanyang prayoridad kaya’t nais niyang magkaroon ng dagdag na healthcare facilities, training para sa healthcare professionals, at pagresolba sa mga isyu ng maternal health at child mortality.