dzme1530.ph

PAG SUBPOENA SA ILANG PERSONALIDAD AT DOKUMENTO, INAPRUBAHAN NG HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE

Loading

Binigyan na ng basbas ng House Committee on Justice ang pag-subpoena at reproduction ng iba’t ibang dokumento, records, at ilang personalidad para sa mga susunod na hearing ng komite.

 

Kabilang sa subject ng subpoena duces tecum ad testificandum ang records at video ng NBI hinggil sa isinagawang imbestigasyon sa bantang pagkuha ni VP Duterte ng assassin para patayin si PBBM, FL Liza Araneta-Marcos, at ex-Speaker Martin Romualdez.

 

Kabilang din ang mga dokumento kaugnay sa isinumiteng SALN ni VP Sara sa Office of the Ombudsman mula 2024 hanggang 2026.

 

Pinasu-subpoena rin si Gloria Camora, at ang mga dokumento ng COA hinggil sa confidential funds ng DepEd noong 2022 at 2023.

 

Pinahaharap din sa bisa ng subpoena si Atty. Michael Poa, sa kanyang Chief of Staff capacity sa DepEd at umaming katulong sa paggawa ng reports hinggil sa confidential funds ng kagawaran.

 

Pinasu-subpoena rin ang affidavit ni Ramil Madriaga, maging si Atty. Cynthia Vinas-Pantinao, ang abogado na nag-notaryo sa affidavit ni Madriaga.

 

Kabilang din ang records ng HOR Archives sa lahat ng pagdinig na ginawa ng nagdaang Quad Comm at House Blue Ribbon ukol sa confidential funds.

 

Kasama rin ang lahat ng PSA certification mula sa Civil Registry kaugnay sa mga pangalan na naging recipients ng confidential funds ng OVP.

 

Inihabol din ni Cong. Terry Ridon ang pag-subpoena duces tecum ad testificandum sa lahat ng SEC business records na konektado kay VP Sara at kay Atty. Manases Carpio, at BIR records hinggil sa binayarang buwis at income ng mag-asawang VP Sara at Atty. Carpio.

About The Author