![]()
Kinontra ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na sumailalim ang mga guro sa malawakang konsultasyon para sa pag-shift sa three-term school calendar.
Sa statement, sinabi ng ACT na ang paninindigan ng DepEd hinggil sa malawakang konsultasyon ay hindi tugma sa aktwal na karanasan ng mga guro sa mga paaralan.
Inihayag ni ACT chairperson na Ruby Bernardo na kung totoong nagkaroon ng broad consultation, bakit maraming mga guro ang nasorpresa sa ganito kalaking pagbabago sa polisiya.
Aniya, ang isang orientation cascade ay hindi maaaring itumbas sa makabuluhang partisipasyon ng mga guro sa paggawa ng polisiya.
Una nang sinabi ng DepEd na ang proposed three-term school calendar na nakatakdang simulan sa school year 2026-2007, ay dinevelop sa pamamagitan ng multi-level consultations na dinaluhan ng mga guro, school leaders, mga magulang at iba pang stakeholders.
