Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng pag-protekta sa South China Sea, na importante hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon kundi sa buong mundo.
Sa kanyang talumpati sa Australian Parliament sa Canberra, inihayag ng Pangulo na dapat patuloy na itaguyod ang malaya at bukas na karagatan alinsunod sa Freedom of Navigation.
Kailangang ding panindigan ang pagtatanggol sa United Nations Convention on the Law of the Sea bilang Saligang Batas sa karagatan.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na mananatili ang depensa at seguridad bilang isang pangunahing Area of Cooperation ng dalawang bansa, at umaasa ito sa pagpapalawak pa ng kanilang joint activities.
Mababatid na ang Australia ay kabilang sa mga akbitong sumusuporta sa claims ng Pilipinas sa South China Sea na inaangkin ng China.