dzme1530.ph

Pag-iwas sa pagkomento sa isyu sa impeachment trial laban kay VP Sara, nasa desisyon ng bawat senator-judge

Loading

IGINIIT ni incoming Senator Ping Lacson na ang mga senator-judges, at hindi ang presiding judge ng Senate impeachment court, ang dapat magpasiya kung iiwas sila sa pagkomento sa mga isyu sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

 

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos iginiit ni impeachment court spokesman Reginald Tongol na hindi pa pagbabawalan ang mga senator-judges sa pagbigay ng komento sa publiko.

 

Magsisilbi si Lacson bilang isa sa mga senator-judges sa impeachment trial ng Bise Presidente, sa oras na tumawid ang kaso sa 20th Congress.

 

Nagpahayag din ng pag-aalaala si Lacson sa sinabi ni Tongol na maghahain siya ng motion to dismiss  kung siya ang nasa kalagayan ni Vice President Sara.

 

Sinabi ni Lacson na tila hinuhulaan ni Tongol ang susunod na galaw ng dipensa sa pamamagitan ng ganitong pahayag.

 

Iginiit ng nagbabalik na senador na hindi lamang din dapat limitahan ni Tongol ang sarili sa sentimyento ng Presiding officer dahil sya ay tagapagsalita ng buong impeachment court.

About The Author