Nagsimula na ang Commission on Elections (COMELEC) sa pag-imprenta ng test at mock election ballots para sa 2025 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM Parliamentary Elections.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, aabot sa halos 100,000 balota ang iimprenta ng komisyon bilang paghahanda sa mock election na nakatakdang isagawa sa July 25 sa Tawi-Tawi at Lanao del Sur.
Una nang sinabi ng COMELEC na ang mga unang test ballots na gagamitin sa mock election ay hindi naglalaman ng pangalan ng mga kandidato o partido, dahil ito ay eksklusibo para sa simulation at testing process lamang.