dzme1530.ph

Pag-impeach kay Inday Sara, magpapaigting lamang ng suporta ng mga Pinoy sa VP —Panelo

Loading

Naniniwala si dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na paiigtingin lamang ng pag-impeach kay Inday Sara Duterte ang suporta ng taumbayan sa Bise Presidente.

Kahapon ay inimpeach ng Kamara si Vice President Duterte, matapos i-endorso ng 215 mambabatas ang ika-4 na reklamo laban dito at mabilis na nai-transmit ang petisyon sa Senado.

Sinabi ni Panelo na lalo lamang magagatungan ang galit ng mga Pilipinong sumusuporta sa Bise Presidente, dahil sa pagbibingi-bingihan ng mga mambabatas sa malakas na panawagan ng taumbayan at maging ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., laban sa impeachment kay VP Sara.

Ayon sa reklamo na inaprubahan sa House plenary, nag-move ang complainants na i-impeach si Duterte batay sa grounds na “Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, and Other High Crimes.”

Nag-ugat ang impeachment complaint mula sa inquiry ng House Committees on Good Government at Public Accountability, sa paggamit ng confidential funds ng office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.

About The Author