dzme1530.ph

Pag-iimbestiga sa mga nananalo sa lotto, welcome sa PCSO

Welcome sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang plano ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na imbestigahan ang ahensya kaugnay sa mga alegasyong mas madalas umano ang mga nananalo na ngayon sa lotto.

Sa Partners Forum sa PCA, inihayag ni PCSO General Manager Mel Robles na bagama’t tungkulin ng mga mambabatas ang mag imbestiga, nakiusap din itong tingnan ang mga pagkakataong nananalo ang isang mananaya dahil sa pagiging ‘loyal’ nito sa pagtangkilik sa mga lotto draw.

Ipinaliwanag din ni GM Robles na ang minsang pagkakataong napanalunan ng 433 na mananaya ang ‘Multiples by 9’ noong nakaraang Oktubre ay senyales na marami ang nagiging loyal sa mga lotto draw.

Sa katunayan aniya, mas marami ang tumataya sa ‘Straight 1-2-3-4-5-6’ kaysa sa alinmang kumbinasyon base sa pagaaral sa lotto betting ngayon.

Giit ng PCSO, nakahanda ang ahensya na makiisa sa anumang balakin ng senado. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author