Nakapag-release ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng ₱30.22 billion na home loans sa unang quarter ng 2025.
Ayon sa Pag-IBIG, mas mataas ito ng 8% o mahigit ₱2 billion kumpara sa ₱28.09 billion na housing loans na ni-release sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nakatulong din ang loan releases noong Enero hanggang Marso sa 20,315 Pag-IBIG Members para magkaroon sila ng sariling tahanan.