Umapila si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes sa mga Korporasyon at Medium-sized Enterprises na makipagtulungan sa mga Local Government Units (LGUs) upang makapag hire ng mga ‘Fit to Work Senior Citizen.’
Ayon kay Ordanes, Chairman ng Committee on Senior Citizens, magandang model ang City of Manila na inanyayahan ang mga kumpanya sa siyudad na mag-hire ng senior citizen kahit na temporary jobs.
Punto ni Ordanes, kung ganito rin ang gagawin ng 147 cities sa buong kapuluan, maraming seniors ang magkakapagtrabaho kahit na sa loob lamang ng anim na buwan.
Bukod sa siyudad may 1,486 municipalities din na kayang mag-employ ng 74,300 seniors.
Hindi na aniya dito usapin ang experience dahil bilang mga seniors sobra-sobra na ang kanilang karanasan sa iba’t ibang trabaho at makakatulong din ito para lalo pang mabawasan ang kahirapan sa bansa.