dzme1530.ph

Pag-endorso sa senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Quezon, pinangunahan mismo ni PBBM

Loading

Matapos ang ilang linggong hindi pagsama sa aktibidad ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-endorso sa kanyang mga pambato sa Senatorial elections sa lalawigan ng Quezon.

Hindi dumalo sa campaign rally si Las Pinas Rep. Camille Villar subalit binanggit pa rin siya ng Pangulo sa kanyang talumpati.

Sinabi ng Pangulo na katungkulan niyang ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulang proyekto at programa kaya kailangan niya ng mga kaalyansang senador na makakatuwang sa mga hakbangin.

Sa panig naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon, itinuturing ni Gov. Helen Tan si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang number 1 senatorial candidate.

Sinabi ng gobernador na malinaw na pinatunayan na ni Revilla ang kanyang layuning tumulong sa mahihirap at isulong ang kapakanan ng mamamayan sa pagsusulong ng mga panukala para sa masa.

Kabilang sa mga makabuluhang mga batas na isinulong aniya ni Revilla ay ang Kabalikat sa Pagtuturo Act at ang Expanded Centenarians Act na patunay ng kanyang adhikaing mapangalagaan ng kapakanan ng senior citizen at ng education sector.

Pinasalamatan ni Revilla ang mga taga-Quezon sa naging pagtanggap sa kanya na sa pakiramdam niya ay nanalo na siya sa eleksyon.

Ang Quezon ay may 1.5 milyong registered voters na mahalagang bahagi ng 9.8 milyong botante sa CALABARZON Region.

About The Author