dzme1530.ph

PAG-EENJOY NG CHINESE EMBASSY SA FREEDOM OF EXPRESSION SA BANSA, KATAWA-TAWA, AYON KAY CONG DE LIMA

Loading

Katawa-tawa para kay Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na masyadong ini-enjoy ng Chinese Embassy spokesperson ang freedom of speech sa Pilipinas, bagay na wala sila sa China.

 

Mistulan pa umanong mas malaya ang mga ito kumpara sa mga Pilipino na guaranteed ang Kalayaan Salig sa Saligang Batas.

 

Bilang mga diplomatic guest, immune umano sila sa kasong libel, samantalang ang mga Pilipino ay pwedeng idemanda sa paglabag sa freedom of speech.

 

Ayon kay de Lima, ito ang malaking kalokohan na hinaharap ngayon mula sa tinawag nitong “belligerent wolf warriors na namumugad sa loob ng Chinese Embassy” na umaatake sa mga opisyal ng gobyerno, at ship-borne counterpart na mga Pilipino sa loob ng ating EEZ ang nagmamalabis din.

 

Para kay de Lima, lantaran itong pag-abuso hindi lang sa constitutional freedom kundi maging sa diplomatic immunity na ipinagkakaloob natin sa mga guests.

 

Paalala pa ni De Lima sa Chinese Embassy, may limitasyon ang pag-abuso sa diplomatic immunity, na alien sa kanila bunsod ng pagiging diktador ng kanilang gobyerno.

 

About The Author