![]()
Tiniyak ng China na hindi nito ititigil ang pag-e-export ng fertilizers sa gitna ng krisis sa Middle East.
Pahayag ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., matapos mabalitaan na ipi-freeze ng China ang pagluluwas ng fertilizers dahil kailangan din nila ito.
Sinabi ni Tiu Laurel na nag-meeting sila ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, kahapon, para talakayin ang agriculture cooperation.
Ayon sa kalihim, dumoble na sa 800 dollars mula sa 400 dollars per ton ang presyo ng fertilizers mula nang sumiklab ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Idinagdag ng agriculture chief na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa India, Russia, at maging sa Belarus upang matiyak ang sapat na supply ng fertilizer sa bansa.
