Nakikita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-develop sa mga kalapit na probinsya bilang susi sa paglutas sa matagal nang problema ng mabigat na trapiko sa Metro Manila.
Sa kanyang pinaka-bagong vlog, inihayag ng Pangulo na habang patuloy ang paggawa ng mga tulay, flyover, skyway, subway, train systems, at iba pang imprastraktura para sa transportasyon, patuloy din ang pagdami ng populasyon at pagdami ng mga sasakyan.
Kaugnay dito, naniniwala si Marcos na ang pag-develop sa mga karatig lalawigan ang magiging pang-matagalang solusyon sa congestion sa NCR.
Kabilang sa mga tinukoy ng Pangulo ang Bulacan, Pampanga, Cavite, at Laguna.
Ipinaliwanag naman ng Chief Executive na ang malalaking proyekto sa mga probinsya ay hindi kaagad mararamdaman ngunit sa oras umano na matapos ang mga ito ay asahang gaganda na ang sitwasyon.