dzme1530.ph

Pag-develop ng natural park, pinaplano ng OCD sa loob ng 6-kilometer danger zone ng Bulkang Mayon

Pinaplano ng Office of Civil Defense (OCD) na mag-develop ng natural park sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, napag-usapan na ang planong pagbuo ng draft para sa Natural Park Development Project.

Sinabi ni Nepomuceno na ito ang nakikita niyang long-term solution upang maibsan ang pasanin ng national at local government units sa paglilikas at pagbibigay ng relief assistance sa mga residenteng nakatira sa danger zone.

Iginiit pa ng OCD chief na dapat talaga ay walang anumang istraktura o mga nakatira sa danger zone, kaya’t suportado umano ng mga LGU ang pag-develop ng natural park at pag-relocate sa mga residente.

Kaugnay dito, handa ang OCD na makipag-usap sa mga miyembro ng kamara at senado para isulong ang legislation na magtatatag ng natural park sa Bulkang Mayon. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author