dzme1530.ph

PAG-DELIVER NG MALE-MALETANG PERA KAY DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, KINUMPIRMA NG MGA DATING SUNDALO

Loading

Kinumpirma ng 18 dating sundalo ang naunang akusasyon ni dating Marine Sgt. Orly Guteza na nagdala ito ng pera kay dating speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez na kickback mula sa flood control projects.

 

Sa press conference sa club filipino sa San Juan, sinabi ni Atty. Levi Baligod na ilang beses nagdala ang mga sundalo ng male-maletang pera na aabot sa P805 billion kay Romualdez at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Forbes Park at sa Paoay, Ilocos Norte.

 

Naglabas din si baligod ng mga larawan na nagpapakita ng maraming maleta na pinaglagyan ng pera at ang ginamit aniya sa paghahatid ng mga ito sa iba’t ibang pulitiko ay eroplano ni dating Cong. Zaldy Co.

 

Nauna nang isiniwalat ni Guteza na nagdala siya ng 46 na maleta ng pera kay Romualdez at Co.

 

Naniniwala si Baligod na si Marcos ang utak ng anomalya habang nasa ilalim nito sina Romualdez at Co.

 

May natanggap ding impormasyon ang abogado na pinapunta na sa ibang bansa si Guteza.

About The Author