dzme1530.ph

Pag-convene sa Kamara bilang Committee of the Whole para sa RBH No. 7, ipinagpaliban

Ipinagpaliban ng Kamara ang pag-convene bilang “Committee of the whole” para talakayin ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o ang Economic Charter Change.

Sa isang media briefing sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe Jr. na isinasapinal pa nila ang lists at availability ng mga resource person na magmumula sa iba’t-ibang sektor.

Dahil first time sa Kamara ang pag-convene bilang “Committee of the whole” para pag-usapan ang Economic Charter Change, pinag-iisipan umano nilang mabuti ang gagamiting rules.

Sa darating na Lunes, Pebrero abente-sais ay tuloy na ang Committee of the Whole sa pagtalakay sa Economic Charter Change at gagawin nila itong tatlong beses sa isang linggo o sa mga araw ng Lunes, Martes, at Miyerkules tuwing ala-una ng hapon.

About The Author