![]()
Mariing kinondena ni United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres ang malawakang pag-atake ng Israel sa Lebanon kahapon.
Sa statement na binasa ng kanyang tagapagsalita, hinimok ng UN chief ang lahat ng partido na agad itigil ang digmaan.
Sinabi ni Guterres na ang mga naturang pag-atake ay nagresulta sa pagkamatay ng halos dalawandaang katao, at ikinasugat ng marami pa, kabilang ang mga bata.
Nagdulot din aniya ito ng matinding pinsala sa mga imprastruktura.
Nagbabala si Guterres na malaking banta sa ceasefire at sa mga ginagawang hakbang upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ang military activity sa Lebanon.
