dzme1530.ph

Pag-asiste ng gobyerno sa 20 Pinoy na nakulong sa Qatar, patunay na walang bahid pulitika ang serbisyo publiko

Loading

Pinatunayan ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na walang bahid pulitika ang serbisyo publiko.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kasabay ng pasasalamat sa DFA at DMW sa pag-asiste sa 20 Pinoy na inaresto sa Qatar dahil sa hindi awtorisadong political demonstration.

Sinabi ni Escudero na ang agarang pagkilos ng mga opisyal ng DFA at DMW ay nagresulta sa pagpapakawala sa apat na Pinoy kabilang ang tatlong minor.

Ipinaliwanag ni  Foreign Usec. Eduardo de Vega na isa sa mga inaresto ay pinakawalan sa pamamagitan ng pagtulong ng Philippine Embassy sa Doha.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Migrant Workers Sec. Hans Cacdac na nagbibigay na ng legal assistance sa mga nakakulong ang abogadong labor attaché ng Pilipinas sa Qatar.

Umaasa ang senate leader na patuloy na pagsisikapan ng mga awtoridad ng bansa na tuluyang mapalaya ang mga Pinoy.

Kasabay nito, nananawagan siya sa mga Pinoy sa Qatar at sa iba pang OFWs na palagiang sundin ang mga batas sa mga bansang kanilang kinaroroonan upang maiwasan ang anumang problema.

About The Author