dzme1530.ph

Pag-archive ng impeachment vs VP Sara, banta sa proseso ng pananagutan

Loading

Nabahala si Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa aksyong ginawa ng mga senador sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.

Si Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, ay nagsabi na ‘dangerous precedent’ ang “yes vote to archive” ng labing-siyam na senador.

Pinahina umano ng mga senador ang constitutional process sa pagpapanagot sa impeachable positions.

Maaari na umanong baliwalain ng mga public officials ang question of propriety o legality basta’t ito ay politically popular.

Giit ni Abante, ang impeachment case ni VP Sara ay hindi para sa 2028, kundi ang maling paggamit sa public funds.

Nabahala lalo ang mambabatas dahil ilan umano sa mga senador ay nais i-dismiss ang reklamo sa paniwalang ‘politically motivated’ ito at hindi na tiningnan ang merito ng kaso.

About The Author