Malaking bagay para sa isang infectious disease expert ang pag-apruba ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19 sa general population.
Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni San Lazaro Hospital Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit Head Dr. Rontgene Solante, na bagamat ang general population ang may pinaka-mababang tyansa na dapuan ng severe COVID-19, bahagi pa rin sila ng populasyon na kina-kailangan para mapanatili ang wall of immunity.
Sinabi pa ni Solante na magkakaroon na muli ng proteksyon ang mga indibidwal na nagpaturok ng 1st booster shot, anim o walong buwan na ang nakakaraan.
Samantala, sinabi naman ng health expert na dapat iprioritize ang general population sa paggamit ng stocks ng monovalent vaccines, habang dapat unahin sa bivalent vaccines ang vulnerable population kasama ang matatanda, immunocompromised, at health workers. —sa ulat ni Harley Valbuena